Sunday, February 23, 2014

Ang didal (The thimble)

This is my first time to make a blog so please bear with me, amature blogger hehe. Actually naisip ko lang gumawa ng blog habang nagtu-toothbrush ako, weird huh?? Hindi ko alam, siguro kailangan ko ng malalabasan ng iniisip ko ng walang magju-judge o sadyang gusto ko lang ikwento sa ibang tao ang mga experiences ko. Anyways here the story.

Noong elementary days ko, may subject na Home Economics (hindi ko alam kung meron pa rin hanggang ngayon dahil sa pag-iba ng curriculum ng bansa). Siyempre naman, kapag nagkaroon ka nga naman ng pamilya dapat marunong ka sa mga gawaing bahay gaya ng pagluluto, pananahi pati na din paggamit ng sewing machine na de-padyak pa dati, interior designing at kung anu-ano pa na pwede mo madugtong para sa pagiging maayos at ikakaganda ng inyong tahanan. Pati nga Ikebana (japanese flower arranging) naituro sa amin na wala akong idea kung para saan ba itong mga pinagtuturo sa amin, malay ko ba at bata pa ako noon, walang paki sa bahay at ang gusto ko lang dati ay maglaro ng maglaro sa labas ng bahay.

Anyway, dahil nga sa pagtu-toothbrush ko ngayon naalala ko ang isang nakakatawang pangyayari, para sa akin, dahil nga mag-aaral ka ng isang bagay eh kailangan mo ng mga "materials" at dahil nga itinuturo sa HE (Home Economics) ang pananahi ay kailangan mo ng mga gamit o tinatawag na "sewing kit" (astig pakinggan 'noh?) gaya ng gunting, karayom, sinulid, at siyempre tela. (may gamit ka nga, wala ka namang tela??? Adik lang?). May mga cute na pangalan dito gaya ng pin cushion, emery cushion, at thimble pero dito ko lang narinig sa subject na ito ang mga kakaibang salita na wala akong idea paano na-translate ang mga ito sa tagalog, gaya ng lang ng "measuring tape" na ang tagalog ay medida at "thimble" ay "didal", ang lalayo ng mga pangalan 'di ba? At dahil siyempre isa akong magaling na estudyante noon, ehem ehem eh gusto kong magpakitang gilas sa "HALOS LAHAT" ng bagay na pinapagawa sa amin ay gusto ko makumpleto ang tinatawag na sewing kit. Pero dahil kami ay isang middle class family ay praktikal ang mama ko sa mga ganyang bagay lalo na sa mga projects namin sa school. Nang sinabi ko sa kanya na may project kami at pinakita ko sa kanya ang listahan na dapat nakalagay sa "sewing kit", sabi niya "Sige kunin mo na lang yung nandun sa lata ng ice cream tapos ibalik mo din pag-uwi mo". HUH??? Ang "sewing kit" ko, ay isang lalagyan lata ng ice cream, eewww nakakahiya samantalang ang mga kaklase ko, nakita ko na ang sa kanila ay toolbox na may mga compartments pa para sa sinulid, pins, karayom at kung anu-ano pa eh ang sa akin lata ng ice cream??? Nakakahiya lalo na ang pagtunog nito sa loob ng bag ko sa tuwing maglalakad ako papunta sa school namin, para akong mamang sorbetero na may hawak-hawak na bell sa kamay yun nga lang sa loob naman ng bag ko ang tumutunog.

Nang iche-check na ng teacher naming matandang masungit na para bang nagmemenopause na siya sa itsura niya ay nilagay ko na sa desk ko ang kulay gold na lata ng ice cream na nakalagay ang mga ginagamit ng mama at nanay (tawag ko sa lola ko) sa pananahi. Well, well, well hindi lang pala ako ang batang may lalagyan ng ice cream na sewing kit pati pala mga kaklase ko ganoon din ang lalagyan pero yung blue na plastic ang lalagyan nila, kaya pala hindi maingay. Ang sabi ko na lang sa sarili ko, "magaganda nga lalagyan niyo, kumpleto naman ang akin, at kulay gold pa muwahahah". Pero ng chineck na ng teacher namin ang mga laman ng aking "sewing kit", ang dami palang kulang. "Nasaan ang tailor's chalk, pin at emery cushion, at thimble? Lahat kayo may minus at walang may dala ng mga yun" What??? Ano yung mga yun? Akala ko naman mama ko na ang bahala doon, eh kulang-kulang naman pala ang gamit niya sa pananahi.

Kaya ng umuwi ako dala-dala ang maingay kong "sewing kit" ay sinabi ko kaagad sa mama ko ang nangyari. "Mama, wala naman daw tailor's chalk, pin at emery cushion at thimble. Paano na yan, araw-araw ako mama-minus sa subject ko?" Sabi ni mama, "O sige, hingi tayo ng chalk sa lola ni Glenn at mananahi yun, tapos mananahi na lang ako pin at emery cushion, tapos yung didal mo eh yung takip na lang ng toothpaste." Tama ba ang narinig ko, takip ng toothpaste? Anong kinalaman ng toothpaste sa pananahi? And so, pinaliwanag sa akin ni mama na ang thimble o didal ay isang bagay na kung saan nilalagay sa dulo ng daliri para hindi masakit pag tinutulak na ang karayom lalo na sa mga makakapal na tela na kailangan ay gamitan ng lakas.

Astig 'to, mama ko lang siguro ang makakaisip ng ganito. Kaya kinabukasan, dala-dala ko na ang aking improved "sewing kit". At nang chineck na ng teacher ko sa klase namin ang kit ko, ang sabi niya, "Ayos to ahh, may takip ng toothpaste." at nagtawanan ang mga kaklase ko. Ang sabi ko na lang na yun ang didal ko, at alam naman niya at tumahimik ang klase namin. At from that moment on, pag nakakakita ako ng toothpaste tube, palagi kong naalala ang didal o thimble.

Moral lesson: Mother knows best. Be practical. Magtoothbrush araw-araw, malay mo may maisip kang idea habang nagtutoothbrush ka. LOL


No comments:

Post a Comment